Ulol! Anong try again in a minute? Eh halos isang oras na akong nagta-try? Haha. Ano na naman kaya ang bago sa plurk ngayon? Wish ko lang hindi siya mag-ala-twitter! Haha!
i wrote this one down for my friend’s birthday last March.
Just when it seemed that everything’s in a bad mood;
Everyone’s bothered, lonesome, and hopeless, you came along and sufficed my
Need. My need for happiness, my need for someone who’ll make me smile.
I had a renewed sense of hope. You showered me with a refreshing rain of confidence. It’s as
Fresh as the smell of flowers in spring bloom. You gave me the power, the
Energy that can withstand everything. Even the
Raging waters, the fiercest winds.
You are
A bright light, leading me through the dark pace of life.
You are my
Guardian angel.
You are an
Unseen entity,
Staying in and within me from my first heartbeat,
‘Till my last breath.
I am happy that you are here. And be rest assured that I will
Never leave nor forsake you.
Here are five things I want to tell five specific people.
1. You are stronger than ever man! After all that you’ve been through, here you are, alive and kicking some ass! Do some more kicking! LOL
2. If you think na hindi ako ng totoo sa’yo, let it be. Wala na akong magagawa about it. I just want you to know for the last time that I care for you. Kung iniisip mo na ka-plastikan lang ang lahat, let it be. Pero nasasaktan din ako sa sinabi mo. Gusto ko lang sabihin na I never betrayed you. Sana maayos ‘to. I love you my friend.
3. I may never know how to say the things I would really want to tell you guys, dahil na rin siguro sa tahimik ko towards both of you, but I really care and love you guys. Stay safe out there.
4. It’s been a year since we parted. Hindi pa rin kita nakakalimutan totally. I hope I can see you again in the near future.
5. I’m sorry for being inconsistent with my feelings for you. Kahit ilang ulit mo pang sabihin sa akin na hindi ako dapat nagso-sorry, I still feel guilty. I hope we could start over.
Your results:You are Apocalypse
|
You believe in survival of the fittest and you believe that you are the fittest. ![]() |
Naalala ko na naman ang nakalipas… Ang panahon ng pagdarahop at karalitaan.
Naalala ko na naman yung time na wala kaming ibang makain kundi talong, munggo at kalabasa. Halos lahat na yata ng luto sa mga ‘yon alam ko na.
Naalala ko na naman yung pagkuha ng Papa ko ng gamit na mantika sa bahay ng Tita ko para may magamit kami sa bahay.
Naalala ko na naman yung pag-volunteer kong magpa-photocopy ng readings ng classmates ko. Tapos may nakukuha akong sobrang pera.
Naalala ko yung panahon na pumapasok ako sa school na walang ka-pera pera. Palagi akong nagbabaon ng kanin. Ano’ng ulam! E di talong.
Naalala ko yung time na natutulog ako sa ilalim ng lamesa dahil sa sobrang sikip ng bahay namin.
Naalala ko yung naglalawa naming kitchen. Sira kase ang drainage ng bahay namin dati.
Naalala ko itong lahat. At ngayon, habang inaalala ko ito, nagpapasalamat na lang ako na buhay pa ako at nalampasan ko ang mga ito.

I suck. Big time.
Ang hirap pala ‘pag masyado kang lenient.
Hindi ka sineseryoso.
Baket nga ba ako nagpapaka-lenient? Kelangan ko na talaga yata maging masama *just for this time*.
Honestly, ayoko na sana bumalik dun sa ugali kong ‘yun. Pero kelangan ng pagkakataon.
Kailangan maging masama, kung para rin naman sa ikabubuti.
Ang hirap pala ‘pag noob ka.
Wala kang masyadong idea kung ano ang gagawin sa mga bagay-bagay.
Lumalabas tuloy na tanga at bobo ka. Haay. Pfft.
Nakakababa ng self-esteem. Nakakahiya.
Kaya ngayon, ayaw ko mang gawin ‘to, kelangan kong maging demonyo ulit.
Demonyong pumapatay ng walang kaawa-awang mga anghel.
Bitch este EVIL MODE… ON.
Ok. Medyo pagod ako kaya whiz muna ang Ingles powers ko…
Leche ang mga kolorum dito sa amin… Dahil sa kanila, na-late ako ng 45 minutes sa first class ko. Buti na lang at more of review yung ginawa dun…
Leche. Kung may barya lang sana ako, hindi na ako bumili ng super-duper-over-sa-kamahalang juice na ‘yon… Pero in fairness, masarap siya!
Sarap. Ang sarap ng cappuccino-banana shake namin ni Dolf kaninang lunch!
Haggard. Nakakabangag talaga ang pag-iisip (pa lang) ng thesis topic.
Mabaho. Ang baho ng paa ko pagkauwi. Sa sobrang pagmamadali kase, hindi na ako nag-socks. Ayun, parang may jabar ang paa ko. Amf.
This is what’s keeping me busy these days… Assignments… assignments. assignments.
Pic taken during UP LISSA’s Guardian Bidding Process last Tuesday, July 1 2008. LISSA family, FIGHTING!
Wala akong class ‘pag Thursdays, so most likely dapat nasa Ateneo ako at nag-oojt… Pero tinamaan na naman ako ng katamaran at hindi ako pumasok (actually, hindi pa ako pumapasok this week). Ayun, bum na naman ako sa bahay. Plurk, nood ng Azumanga Daioh, Plurk. Yun lang ang ginawa ko.
Pero since may General Assembly kami sa org, umalis ako ng house para lang umattend nun (effort di ba?!). Suot ko ang aking pang-asar na orange shirt (na suot ko pa rin hanggang ngayon).
Sakay tricycle. Sakay FX. Sakay bus. Sakay jeep.
Whoala, nasa peyups na ako after an hour. Hindi ko alam kung anong meron sa Thursdays at super nakakatamad siya.
Lakad-lakad papuntang Main Lib. Nakita si Juvern. Hindi daw siya aattend ng GA. Pft.
Nilakbay ako ang daan paakyat sa 76 na baitang ng stair papuntang SLIS.
Nakita si Pinaylibrarian. Diretso sa Room 3. (Lintek, naunahan kami sa room 4.)
Konti pa lang ang tao. Okay lang 4:30 pa naman magsisimula ang meeting.
Partida tsong! Astig ang applicants ng LISSA ha! Marami na agad ideas! (at hindi madaling…)
So medyo magulo ang GA kahapon… Pero super nakakatawa naman siya!
Ayun, sa wakas natapos na rin ang GA… Salamat sa pumunta!
At as usual, kasabay ko si Randolf sa pag-uwi.
Madalas kase, sumasakay kami dun sa kups na Jayross (kase sa Tungko nakatira si Dolf).
Pero gusto ko mag-trip ngayon kaya niyaya ko siya (oo, niyaya ko siya!) na sumakay ng ordinary bus. Bigla ko lang kase naalala yung sinabi ng isa kong ka-Plurk… Mas mabilis daw ang biyahe ng ordinary bus…
Agree naman ako dun kase yung mga Aircon bus, ang sugapa sa mga pasahero… Kulang na lang, may kumandong dun sa driver para makarami ng pasahero… Amfness.
Ayun, standing ovation muna kami. Una akong umupo…
Chika-chika. Chika-chika.
AT ako’y nagulantang dahil may nakita akong Aircon jeepney! Perstaym ng aking birjin ays na makakita ng ganoong bagay! Ameysing!
Bumaba na ako sa SM Fairview. Laro laro sa Quantum. Laro Laro sa Tom’s World.
Mga 9:30pm na ako umalis ng SM… Adik kase eh. Tsaka baka may nakitang “action”… heehehe
Sakay ulet ng FX pauwi. Shet, wala na akong barya. 1000 bill na tong nasa akin. Bili ng pagkain sa Mini Stop.
Ayos, may pambayad na kay Manong kupal Tricycle driver.
At diyan natapos ang walang kakwenta-kwentang araw ko.